
Inirekomenda ng Budget Amendments Review Subcommittee o BARSc na madagdagan ng mahigit 20.8 – billion pesos ang budget na nakalaan sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng panukalang 2027 national budget.
Sa pulong ng BARSc ay inihayag ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na ang nasabing dagdag na pondo ay ilalaan sa Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR).
Diin ni Suansing, ito ay bahagi ng pagtupad ng Kamara na tiyaking handa sa “Super El Niño” ang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ayon kay Suansing, kasama dito ang 10-bilyong pisong pondo para sa Presidential Assistance to farmers and fisherfolks at 4.9 billion pesos para sa farm-to-market roads.
Ang nabanggit na mga rekomendasyon ng BARSc ay kailangan pang aprubahan sa plenaryo ng Kamara.
