Monday, June 1, 2026

Sen. Padilla, iginiit na hindi siya traydor

Itinanggi ni Senator Robinhood Padilla ang alegasyon na isa siya sa mga traydor na senador.

Ang reaksyon ng senador ay nag-ugat sa pagtukoy ni Senator Migz Zubiri kina Padilla, Senators Bong Go, Imee Marcos at Bato dela Rosa na mga nagtraydor noon sa kanyang liderato at dahilan kaya bakit mas pinipili niyang manatili sa minority bloc ngayon.

Giit ni Padilla, hindi siya traydor kundi ang inilalaban niya ay ang soberenya ng Pilipinas.

Ibinalik din ni Padilla ang tanong na kung sino ba talaga ang traydor sa pagitan ng mga lumalaban para sa soberenya at sa mga handang ipaubaya sa mga dayuhan ang paghusga at pagdikta sa isang kapwa Pilipino.

Nilinaw din ng senador na ang ginawang pagpapalit sa liderato ng Senado ay walang kinalaman sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Inamin ni Padilla na ginawa nila ang change of leadership para sa Blue Ribbon Committee na nagimbestiga sa maanomalyang flood control projects upang malaman ang katotohanan at mapanagot ang mga dapat na managot.

Facebook Comments