PDEG Director, magsusumite ng leave of absence

Maghahain ng leave of absence si Director ng Philippine National Police (PNP) – Drug Enforcement Group (PDEG) PBGen. Narciso Domingo.

Ito’y matapos ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos na mag-file ng leave of absence ang 10 opisyal na nagtangka umanong mag-cover up sa pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa Maynila nitong Oktubre.

Ayon kay Domingo, tatalima sya sa utos ni Abalos.


Gayunman, dismiyado si Domingo sa pagdududa sa kanya at sa cover up na anggulo na pinalutang ni Abalos.

Aniya, hindi patas na pagdudahan sila dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi maaaresto si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr.

Aminado naman si Domingo na may lapses ang PDEG sa kanilang operasyon, gayunman lahat ng kanilang report at ebidensyang nakalap ay nai-report na nila kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Facebook Comments