LALAKI, NAGBIGTI SA BENITO SOLIVEN, ISABELA

29
Tinuldukan ng isang lalaki ang kanyang sariling buhay sa Benito Soliven, Isabela kahapon, Agosto 1, 2022.

Kinilala ang biktima na si Fernando Justo Llamelo, 48 taong gulang at residente ng Brgy. Maluno Sur, Benito Soliven.

Batay sa nakuhang impormasyong nakuha ng 98.3 iFM Cauayan sa PNP Benito Soliven, nagpatiwakal ang biktima sa pamamagitan ng pagbitin ng kanyang sarili gamit ang tali ng bag.

Bago pa dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente, tinanggal na ng pamilya ang katawan ng biktima mula sa pagkakabitin at dinala na sa punerarya.

Ayon pa sa PNP, ang babaeng kapatid ng biktima ang nakakita sa wala ng buhay na katawan ng biktima sa kanilang kuwarto pasado alas 5:00 ng umaga kahapon.

Kumbinsido naman ang pamilya na nagpakamatay ang lalaki dahil naobserbahan nila na mas gusto mapag-isa ng biktima at minsan ay nagsasalita mag-isa sa mga nakalipas na araw.



Nagsagawa naman ang doktor mula sa Municipal Health Office ng necropsy examination sa katawan ng biktima.

Facebook Comments