
Nakatakdang itaas sa Red at Yellow Alert ang Visayas Grid mamayang hapon dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente kumpara sa inaasahang taas ng demand sa rehiyon.
Ayon sa Department of Energy (DOE), iiral ang Red Alert mula 6:00 PM hanggang 7:00 PM habang ang Yellow Alert ay magsisimula ng 3:00 PM hanggang 5:00 PM at 7:00 hanggang 8:00 PM.
Pumalo lamang sa 2,352 megawatts ang magagamit na kapasidad ng kuryente habang inaasahang aabot sa 2,492 megawatts ang gagamiting peak demand sa rehiyon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOE sa iba’t-ibang generation companies upang maibalik ang operasyon ng mga naapektuhang pasilidad.
Facebook Comments










