LALAKI SA UMINGAN, ARESTADO SA KASONG ESTAFA; AGAD NA NAKALAYA MATAPOS MAKAPAGPIYANSA

Arestado ang isang lalaki na residente ng Umingan, Pangasinan matapos isilbi sa kaniya ang Warrant of Arrest na inilabas ng Municipal Trial Court (MTC) ng Umingan kaugnay ng kasong Estafa.

 

Batay sa ulat, may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng ₱18,000 ang naturang kaso.

 

Gayunman, hindi rin nagtagal sa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek matapos itong makapaglagak ng itinakdang piyansa.

Matapos ang kaukulang proseso, agad din siyang nakalaya habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kasong kinakaharap nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments