PAGSASAAYOS NG AYUSIP ROAD AT PAGLALAGAY NG DRAINAGE SYSTEM SA BONUAN BOQUIG, DAGUPAN CITY, ISINUSULONG LABAN SA PAGBAHA

Ininspeksyon ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, kasama si City Engineer Josephine Cruz at mga kawani ng Barangay Bonuan Boquig, ang kahabaan ng Ayusip Road bilang paghahanda sa nakatakdang proyekto ng pagsasaayos ng kalsada at drainage system sa lugar.

Sa isinagawang inspeksyon, sinuri ng alkalde ang kalagayan ng baku-bakong daan at ang kasalukuyang drainage system sa nasabing lugar.

Ayon kay Fernandez, pirmado na ang proyekto para sa pagsasaayos ng kalsada at nakatakda nang simulan ang implementasyon nito.

Nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay ng planong drainage system sa lugar.

Inaasahang makatutulong ang mga proyekto upang matugunan ang problema sa pagbaha sa Ayusip Road, gayundin ang pagkakaroon ng mas maayos na kalsada na ligtas na madaraanan ng mga residente at estudyanteng araw-araw na dumaraan sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments