Wednesday, June 3, 2026

DPWH, nakatakdang magsampa ng kaso laban sa ilang personalidad sa flood control anomaly

COURTESY: Department of Public Works and Highways

Inanunsyo ni Public Works Secretary Vince Dizon na magsasampa bukas ng kaso ang Office of the Ombudsman laban sa mga panibagong personalidad na nasasangkot sa flood control project scandal sa Bulacan.

Isasampa ang kaso sa Malolos Regional Trial Court. Ayon sa kalihim, hindi basta-basta ang mga personalidad na ito at itinuturing silang “malalaking isda.”

Aniya, bukas na rin niyang ibubunyag ang kanilang mga pangalan kaya’t hinihintay na lamang ito ng publiko.

Dagdag pa ni Dizon, layunin ng pagsasampa ng kaso na mapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang proyekto, lalo na’t hindi umano titigil si Pangulong Bongbong Marcos Jr., hangga’t hindi napapanagot at nakukulong ang mga dapat panagutin.

Sinabi rin ng kalihim na may mga susunod pang kaso na isasampa kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments