Wednesday, October 21, 2026

Grupo ng mga magsasaka, magmamartsa papapunta sa Mendiola matapos ang isang linggo pananatili sa harap ng DAR

Tinapos na ng iba’t ibang grupo ng magsasaka ang kanilang isang linggong pananatili sa harap ng Department of Agrarian Reform o DAR ngayong Miyerkules ng umaga, October 21.

Nakaalis na ang mga raliyista papunta sa harap ng University of Santo Tomas sa España, Manila para doon magtipon-tipon, bago pumunta sa Mendiola.

Panibagong programa ang ikakasa ng mga magsasaka sa Mendiola kontra korapsyon, pagsusulong ng suporta sa mga magsasaka, maging ang pagkundina sa umano’y solusyon ng gobyerno laban sa El Niño, partikular ang pagpapalawak ng solar farm, pagpaparami ng wind farm, at pagbebenta ng lupain ng bansa sa mga dayuhan.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP, naging matagumpay ang kanilang isang linggong kampuhan, na dinaluhan ng halos 300 na magsasaka, mula sa Albay, Camarines Sur; Sorsogon, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, CALABARZON, Mindoro, at Palawan; pero simula pa lang umano ito nang panawagan nila para sa suporta sa mga magsasaka.

Samantala, bantay-sarado naman kanina ng mga personnel ng Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang bahagi ng Eleptical Road, bilang bahagi ng seguridad at kaayusan sa lugar.

Facebook Comments