BAGONG TAHANAN, REGALONG HANDOG PARA SA ISANG PAMILYA SA BAYAN NG CALASIAO

Mapupuno ng mga ala-ala ang bagong simula para sa isang pamilya sa barangay Malabago, Calasiao dahil sa natanggap nilang regalo na bagong bahay.

Sa pakikipag-ugnayan ng isang Australian citizen sa Sangguniang barangay ng Malabago ay naisakatuparan ang New Home Project para sa pamilya nina Michelle Flores at Melvin Versoza Aquino at tatlo nilang anak sa Sitio Pantat, Malabago, Calasiao.

Kung dati ay sa isang papag at bahay na tarpaulin lamang ang pader ang kanilang tinutuluyan, ngayon ay napalitan na ng mas komportable, matibay, at ligtas na tahanan.

Maliban sa mismong bagong tayong bahay ay kasama sa mga natanggap nilang regalo ay bagong matres, lamesa, mga upuan, at iba pa.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang indibidwal ay nakagawa ng isang proyektong magbibigay pag-asa at bagong simula para sa isang pamilya na bagamat salat sa ilang materyal na bagay ay nananatiling matatag ang pagsasama kaya naman sila ang mapalad na napiling biyayaan ng bagong bahay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments