Ipinatupad ang Code White Alert sa lahat ng ospital at health facilities sa Region 1 noong Oktubre 20, 2026, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Rosal.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development o DOH-Ilocos, layunin nito na matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad pangkalusugan sa pagtugon sa anumang emergency na may kaugnayan sa bagyo.
Patuloy namang susubaybayan ng DOH-Ilocos ang mga insidenteng pangkalusugan na nangangailangan ng agarang interbensiyon, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga pasilidad pangkalusugan sa rehiyon at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos at magkakaugnay na pagtugon sa mga emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







