Arestado ang isang 30-anyos na suspek matapos masamsam sa kaniya ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000 sa isang buy-bust operation sa Barangay Capantolan, Sual, Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Sual Municipal Police Station o Sual MPS, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 o PDEA RO1, noong Oktubre 21, 2026.
Nasamsam sa operasyon ang sampung heat-sealed na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang tunay na limandaang pisong buy-bust money, labinlimang tig-iisang libong pisong boodle money, iba pang ebidensya at isang itim na sasakyan na umano’y ginamit sa ilegal na kalakalan ng droga.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek, habang nakatakda namang isailalim sa laboratory examination ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga bilang bahagi ng paghahanda sa pagsasampa ng kaso.
Patuloy naman ang Sual MPS sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga, katuwang ang mga kinauukulang ahensiya, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at matiyak ang kaligtasan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








