Wednesday, June 24, 2026

ADMU, pinagpapaliwanag na ng CHED

Inisyuhan ng Show Cause Order ng Commission on Higher Education (CHED) ang Ateneo de Manila University (ADMU) para matukoy kung may paglabag ba sa umiiral na mga patakaran kaugnay ng kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante, matapos ang pagkamatay nina varsity player Rene Baterbonia at Divine Adili.

Partikular na inaatasan ang Ateneo na magsumite ng sinumpaang paliwanag o incident report, certificate of compliance sa CHED, at iba pang kinakailangang dokumento alinsunod sa CMO No. 6 Series of 2026 sa loob ng sampung araw mula sa pagtanggap ng order noong June 9.

Dagdag pa dito, pinagpapaliwanag din ang Ateneo kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa dahil sa umano’y pagkakasa ng off-campus activities na labag sa patakaran, mga probisyon ng Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act, at sa umano’y kakulangan ng pangangasiwa sa estudyante sa ilalim ng prinsipyo ng in loco parentis.

Gayunpaman, hindi umano nagsumite ang nasabing unibersidad ng hinihinging rekord at dokumento, kahit paulit-ulit na umanong nag-follow up dito CHED-NCR.

Samantala, nangako naman ang komisyon na mananatiling nakatuon ang kanilang pangangalaga sa kapakakan ng mga eatudyante at sa pagpapatupad ng mga pamantayan sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon.

Facebook Comments