Monday, September 21, 2026

Paulit-ulit na school shooting, patunay ng paulit-ulit na mga pagkukulang at kapabayaan

Labis na nakakalungkot at nakakadismaya para kay House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima ang nangyaring pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.

Giit ni De Lima ang paulit ulit na insidente ng karahasan sa mga paaralan ay patunay ng paulit-ulit na mga pagkukulang at kapabayaan.

Diin ni De Lima, wala dapat puwang ang anumang mga kapalpakan sa pagpapatupad mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay De Lima, hindi dapat maging normal ang bangungot na ito kaya kailangang gumising ang lahat sa realidad kabilang ang mga nasa tahanan, paaralan, mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno at buong komunidad.

Sabi ni De Lima, ito ay para agarang tukuyin at tugunan ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang karahasan sa mga eskwelahan.

Facebook Comments