Philippine Economic Zone Authority, nakakuha ng higit P10-B na halaga ng investment sa Japan

Nakakuha ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng P10.8 bilyon na halaga ng investment commitments mula sa Japan outbound mission.

Ayon kay PEZA director-general Tereos Panga, ito ang naging resulta ng pagdalo niya sa limang araw na outbound mission sa Japan mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2.

Ilan sa mga nakuha nilang investment commitment ay mula sa kumpanya na gumawa ng state-of-the art metal power inductor na mayroong cutting-edge technology.


Dagdag pa nito na mayroong ibang mga investment opportunities sa bansa.

Facebook Comments