ISANG LIBONG GURO SUMAILALIM NA SA FINAL BRIEFING NG COMELEC PANGASINAN PICTURES

33
Matagumpay na natapos ang final briefing ng isang libong guro sa Pangasinan sa pangunguna ng COMELEC Pangasinan.
Dahil dito handang handa na ang mga gurong sasabak sa local at national election sa May 9,2022 ayon sa ahensya.
Saad ni Atty. Frank Sarmiento ang Dagupan City COMELEC Officer ang mga gurong sumailalim sa briefing ay ang mga aaktong electoral board at technical officer sa darating na halalan.

Binigyang diin din nito, na mahalaga ang gampanin ng mga guro upang maipatupad ang patas at maayos na halalan.
Samantla, bibigyan ng sapat na oras ang mga guro para makaboto bago ideploy sa kanilang mga area of designation. | ifmnews
Facebook Comments