
Sumipa sa 437 ang kaso ng Leptospirosis habang 30 katao na rin ang namatay dahil sa nasabing sakit sa Quezon City, mula sa pagpasok ng kasalukuyang taon hanggang August 28.
234 o 79% dito ay na-expose sa tubig-baha, 4 na kaso o 1.4% ang may exposure sa iba pang posibleng kontaminadong water sources, habang 41 kaso o 13.9% naman ang walang natukoy na exposure source.
Base sa talaan ng Leptospirosis Surveillance Update ng Epidemiology and Surveillance Division ng lungsod, mas mabilis na nadagdagan ang bilang ng kaso na umabot ng 296 noong August 1 hanggang August 28, o ang buwan na sunod-sunod ang pag-ulan at baha sa lungsod, habang 10 naman ang naitalang nasawi.
Sa loob lang ng isang linggo, partikular noong August 16 hanggang 22, umabot sa 171 ang naitalang kaso ng
Leptospirosis, na lumagpas sa epidemic threshold o sa antas ng mga kasong higit pa sa inaasahang bilang.
Kasabay nito, hinimok ng Health Department ng lungsod ang punliko na isawang lumusong sa baha, gumamit ng protective footwear at damit at maghugas nang mabuti gamit ang malinis na tubig at sabon pagkatapos, at agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung makaranas ng mga sintomas ng Leptospirosis.










