Testing areas na pagdarausan ng 2022 Bar Examination, isinasapinal pa

47

Isinasapinal pa ng Korte Suprema ang mga testing areas na pagdarausan ng 2022 Bar Examination ayon sa Office of the Bar Confidant.

Nabatid na nasa 14 na mga lugar ang pagdarausan ng localized at digitalized bar examinations sa bansa ngayong taon.

Mas kaunti ito kumpara sa 29 na local testing sites noong 2020 at 2021 Bar Exam.


Bukas na rin hanggang Agosto 22 ang aplikasyon para sa magsisilbing local bar personnel.

Partikular sa mga posisyong ito ang Floor Supervisors, Head-Proctors, Proctors, at Runners.

Target idaos ng Korte Suprema ngayong Nobyembre ang 2022 Bar Examination.



Facebook Comments