Pilipinas, naungusan ng Indonesia at Singapore pagdating sa gold medals sa nagpapatuloy na SEA Games

129

Nahigitan na ng Singapore at Indonesia ang pilipinas pagdating sa rankings ng may pinakamaraming gold medal sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games.

Sa kabila nito, mayroon na tayong kabuuang 175 na medalya kung saan 40 ang gold, 57 ang silver at 78 ang bronze.

Samantala, wagi rin kahapon ang Gilas Pilipinas men’s basketball team kontra sa host country na Vietnam na nagtapos sa score na 88-60.


Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang Gilas na nakapagtala ng 25 points at 11 rebounds at sa ngayon ay nananatiling undefeated ang koponan.

Bukod sa Gilas, wagi rin kahapon ang mga pambato ng Team Philippines sa judoka, bowling, marathon, archery at chess.

Facebook Comments