Ilulunsad na sa Dagupan City ang pilot program para sa targeted financial subsidy ng mga batang may kapansanan matapos aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang magbibigay ng buwanang ayuda sa piling benepisyaryo noong Mayo 18, 2026.
Ayon sa city council, sa unang yugto ng implementasyon, 200 batang may kapansanan mula sa 958 rehistradong children with disabilities (CWDs) sa lungsod ang unang makatatanggap ng ₱1,000 buwanang subsidy.
SOT (Councilor Christel Hilary Paras)
Quarterly umano itong ipapamahagi para sa gastusin sa nutrisyon, therapy, gamot, transportasyon, edukasyon, at iba pang development needs ng mga bata.
May inisyal na pondong ₱2.4 milyon ang inilaan ng lungsod para sa pilot program at mahigpit itong imo-monitor ng City Health Office (CHO) at City Social Welfare and Development (CSWD) para masukat ang epekto at sistema ng programa bago ito palawakin.
Ayon sa konseho, ang unang 200 benepisyaryo ay pinili batay sa antas ng kahirapan at tindi ng kondisyon ng bawat bata.
Binigyang-diin ng lungsod na sakaling magtagumpay ang pilot program, posibleng madagdagan pa ang pondo at bilang ng mga batang makikinabang sa susunod na implementasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








