
Nirerespeto ng Department of Justice (DOJ) kung ano man ang pasya ng Office of the Ombudsman sa mga kasong hawak nila.
Pahayag ito ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez kasunod ng sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na tututulan nila ang mosyon ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na sumailalim sa hospital arrest.
Hiniling ito ng kampo ng mambabatas habang hinihintay pa ang pagdinig sa mga kinakaharap nitong kasong plunder.
Ayon kay Martinez, ipinauubaya nila sa Ombudsman at sa Office of the Special Prosecutor ang usapin at inirerespeto nila ang anumang aksyon nito.
Kahapon nang silbihan si Romualdez ng arrest warrant habang nananatili sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa masama umanong pakiramdam.
Facebook Comments










