Friday, September 4, 2026

VPSD, planong magpiyansa agad kaugnay ng kanyang warrant of arrest —SILG Jonvic Remulla

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na plano ng kampo ni Vice President Sara Duterte (VPSD) na magpiyansa agad sa korte kaugnay sa warrant of arrest nito para sa 3 counts ng grave threat na inilabas ng Quezon City Regional Trial Couurt (RTC).

Ayon kay Remulla, kinumpirma ng mga abogado ni VP Sara na natanggap na nila ang warrant.

Kaugnay nito, hindi pa muna binanggit ng kalihim kung may pagkilos na sa panig ng Philippine National Police (PNP) para arestuhin si VP Sara Duterte.

Matatandaang na ang warrant na ito sa kanya ay may koneksyon sa kanyang mga naging pahayag sa umano’y pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at former House Speaker Martun Romualdez sa isang virtual press conference noong November 2024.

Facebook Comments