
Tiniyak ng House Prosecution Panel ang kahandaan sakaling i-akyat sa Supreme Court ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagpayag ng Senate Impeachment Court na i-subpoena para maipresenta sa impeachment trial ang bank at tax records nito at ng mister na si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay House Prosecutor at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, handa sila dahil palagi namang dumudulog sa Kataas-taasang Hukuman ang kampo ni VP Duterte kahit palagi ding hindi napagbibigyan ang hirit nilang Temporary Restraining Order (TRO).
Binanggit ni De Lima na kung aakyat muli sa high tribunal ang kampo ng bise president ay ang Solicitor General ang kakatawan sa House prosecution panel.
Muli, iginiit ni De Lima na alinsunod sa Konstitusyon ang ang awtororidad o kapangyarihan ng Senate Impeachment Court kaya hindi dapat pinapaki-alaman ang mga hakbang o desisyon nito.










