Thursday, September 3, 2026

Mga hakbang pangseguridad sa 2026 Bar Examinations, tiniyak ng PNP

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga unit ng pulisya sa buong bansa na ipatupad ang komprehensibong mga hakbang pangseguridad sa 2026 Bar Examinations.

Ayon kay Nartatez, importanteng aktibidad ito sa legal community kung kaya’t tiniyak nito na sapat ang bilang ng mga personnel para sa kapayapaan at kaayusan ng nasabing aktibidad.

Kabilang sa mga hakbang pangseguridad ang pagtiyak sa kaligtasan sa mga kalsada gayundin sa mga magulang at mga law student na lalahok sa “bar ops,” o mga organisadong aktibidad malapit sa mga testing center upang suportahan ang kanilang mga alumni na kukuha ng bar examination.

Sa ngayon, wala namang namomonitor na banta ang pulisya na may kaugnayan sa nasabing aktibidad.

Gaganapin ang 2026 Bar Examinations sa September 6, 9, at 13 sa 15 testing centers sa bansa.

Facebook Comments