Tuesday, September 1, 2026

Paggamit ng alias, nilinaw ni Senator-Judge Tito Sotto III

Nilinaw ni Senator-Judge Tito Sotto III ang tungkol sa paggamit ng alias na naging paksa ng pagtatanong ni Senator-Judge Robinhood Padilla kay Atty. Mae Divinagracia sa impeachment trial noong nakaraang linggo.

Giit ni Sotto, nasagot ni Atty. Mae Divinagracia ng prosecution team ang tungkol sa paggamit ng alias batay sa kanilang journal.

Ipinunto ni Sotto na ang tinutukoy ni Divinagracia ay ang Republic Act 6085 na nagre-regulate sa paggamit ng aliases.

Nilinaw ng senator-judge na pinapayagan lamang ang paggamit ng alias para sa pseudonyms sa literatura, pelikula, telebisyon, at iba pang entertainment purposes.

Kung walang totoong tao sa likod ng alyas, ito aniya ay fictitious name o pekeng pangalan.

Matatandaang iniugnay ni Padilla na maski ang mga bayani ay gumagamit noon ng alias kahit si dating Senator Benigno Ninoy Aquino Jr. na may alias na Marcial Bonifacio.

Ito ay patungkol din sa paggamit ng alias o codename sa mga acknowledgement receipts na pinagbigyan ng confidential funds.

Facebook Comments