Ayon sa ulat, may ilang may-ari ng piso net ang nagsabing Hindi na sila aapela at susunod na lamang sa ipinatutupad na ordinansa.
Ayon kay Mayor Fernandez, Pangunahing layunin ng Ordinansa ang Pangalagaan ang kapakanan ng mga bata, lalo na ang mga Menor de edad. Aniya, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng mga reklamo mula sa mga magulang at guro na madalas umanong gabing-gabi nang umuuwi ang ilang kabataan dahil sa paglalaro sa piso net.
Dagdag pa niya, isa rin sa mga naging batayan ng kanilang desisyon ang nangyaring insidente sa tacloban.
Gayunman, Hindi nakaligtas sa batikos sa Social Media ang alkalde.
Maraming netizen ang nagpahayag ng Hindi pagsang-ayon sa ipinatutupad na pagsasara.
Ayon sa kanila, Hindi naman umano dapat isara ang lahat ng piso net bagkus ay magpatupad na lamang ng Curfew hours para sa mga Menor de edad at bigyan ng konsiderasyon ang mga sumusunod sa mga Alituntunin.
Sa Panayam ng IFM News kay Mayor Belen Fernandez, sinabi niyang nauunawaan niya ang mga reaksiyon ng publiko, ngunit iginiit niyang ang kanyang prayoridad ay ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan. Aniya, karamihan sa mga tumututol sa ordinansa ay mga may-ari ng piso net na maaapektuhan ng pagsasara ng kanilang mga negosyo.
Sa Kasalukuyan, sinabi ni Mayor Fernandez na magpapatuloy ang pagpapatupad ng Ordinansa at ang Inspeksiyon sa iba’t ibang Lugar sa Lungsod hanggang sa tuluyang maisara ang lahat ng Piso Net Establishments.
Layunin umano nitong maiwasan ang Posibilidad na maulit ang mga Insidenteng may kinalaman sa Labis na Paglalaro ng mga Kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










