Isinagawa ang COCONatural: Utilization of By-Products of Coconut for Health and Wellness mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 4, 2026 sa pangunguna ng Our Farm Agri-business Skills Training and Assessment Center (OFASTrAC) Inc.
Dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang pagsasanay at tinalakay sa mga ito ang iba’t ibang gamit ng mga by-products ng niyog, kabilang ang mga benepisyong pangkalusugan, panggamot, at pangkabuhayan.
Ipinaliwanag din ang mga paraan kung paano mapalilikha ng mga produktong may mataas na halaga mula sa mga by-products ng niyog habang isinusulong ang kalusugan at kagalingan.
Ayon sa DTI Pangasinan, naging mahalaga ang pagsasanay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga kalahok hinggil sa potensiyal ng industriya ng niyog.
Naniniwala ang ahensiya na ang mga natamong kaalaman at ugnayan mula sa programa ay makatutulong sa patuloy na pagpapalakas ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), pagpapaunlad ng lokal na industriya ng niyog, at paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga magsasaka at negosyante sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










