BAYAMBANGUEA, NAGWAGI NG SILVER AWARD SA INTERNATIONAL TEAM PHYSICS CHALLENGE

Isang mag-aaral na tubong Bayambang, Pangasinan ang nagkamit ng Silver Award sa International Team Physics Challenge na ginanap kamakailan sa Bali Indonesia.

Kinilala si Erich Marenel T. Ventura, residente ng Brgy. Buayaen, Bayambang, bilang isa sa mga kasapi ng koponan ng Philippine Science High School Ilocos Region Campus na nagwagi ng Silver Award sa naturang pandaigdigang kompetisyon sa larangan ng pisika.

Ang International Team Physics Challenge ay inorganisa ng Organizing Center for STEM Olympiad, kung saan lumahok ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang bansa upang sukatin ang kanilang kakayahan sa physics at problem-solving.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng husay at kakayahan ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng agham at internasyonal na kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments