Isang residente ng Barangay Bonuan Binloc sa Dagupan City ang pinuri dahil sa katapatan matapos isauli ang pitakang naglalaman ng mahahalagang pagkakakilanlan at bank cards na kaniyang napulot.
Kinilala si Cornel Vilog, 36 anyos, residente ng Sitio Silungan, Barangay Bonuan Binloc, na nagsauli ng pitaka na pagmamay-ari ni Rodolfo Tigno, 49 anyos, residente naman ng Purok America sa nasabing barangay.
Kabilang sa mga laman ng pitaka ang mga ATM at credit card, Driver’s License, PhilHealth ID, PAG-IBIG Card, at iba pang mahahalagang pagkakakilanlan ni Tigno.
Malaki naman ang pasasalamat ni Tigno matapos maibalik sa kaniya ang kaniyang mga personal na gamit.
Nasaksihan ni Kagawad Amy Garcia ang pagsasauli ng naturang pag-aari.
Pinuri ng mga nakasaksi si Vilog sa kaniyang ipinakitang katapatan at paggalang, at itinuring itong isang simpleng halimbawa ng kabutihang maaaring tularan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






