PEER SUPPORT SYSTEM’ SA MGA KABATAAN DAPAT DIN UMANONG PALAKASIN PARA SA MENTAL HEALTH WELLNESS AYON SA MGA GUIDANCE COUNSELORS

Dapat din umanong pansinin at palakasin ang ‘peer support system’ o nakukuhang suporta mula sa mga kaibigan ng mga kabataan upang makatulong na mapatatag ang kanilang mental health wellness pati na rin ang agarang aksyon sa ikinikilos ng kapwa nito.

‎Ayon kay Ma’am Sheridan Manamtam, Guidance Councilor 3, DepEd San Carlos City Pangasinan Division, bukod sa pagpapalakas ng komunikasyon ng pamilya sa loob ng mga tahanan, malaki rin umano ang naitutulong ng mga kaibigan sa pagbabahagi ng nararamdan ng isang bata tulad ng mga estudyanteng iba-iba ang kinahaharap sa loob at labas ng paaralan.


‎Kapag napapasok sa suliranin ang isang kabataan tulad ng isang estudyante, madali rin nitong lapitan ang kaibigan upang mapagsabihan ng nararamdaman kaya naman nagsasagawa rin ang mga Guidance Councilors sa loob ng mga paaralan ng iba’t-ibang aktibidad na makatutulong sa pag-usbong ng magandang samahan ng mga mag-aaral.


‎Bukod dito, kung sakali rin umanong magsabi ang kapwa estudyante ng pagbabanta o self-harm ay impormasyon na ito upang i-report at magkaroon ng asessment ang awtoridad o council ng paaralan upang mabigyan ng kaukulang tulong mula sa mental health professional. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments