Tig-10 kilo ng bigas bawat pamilya ang ibinigay ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City sa ikalawang wave ng rice assistance na isinagawa sa mga barangay ng lungsod noong Setyembre 21 at 22.
Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, kabilang sa mga barangay na napaghatiran ng ayuda ang Salinap, Bani, Tamayo, Guelew, Supo, Calobaoan, Bogaoan, Antipangol, Mabalbalino, Bocboc, Malacanang, Anando, Libas, Abanon, Caoayan Kiling, San Juan, Agdao, Polo, Talang, Balococ, Maliwara, Buenglat, Payar, Tayambani, Aponit, Isla, at Baldog.
Bahagi ang distribusyong ng ikalawang wave ng rice assistance ng lungsod, na target umabot sa 86 barangay.
Nauna na umanong nakapagsagawa ng pamamahagi sa mga barangay ng Inerangan, Nelintap, Doyong, Matagdem, Bolingit, Cruz, San Pedro, Mamarlao,
Palaris, Naguilayan, Manzon, Balayong, Rizal, Lucban, Roxas, Cacaritan, Bugallon-Posadas, Burgos-Padlan, M. Soriano, Gamata, Bonifacio, at Tandang Sora.
Target ng rice assistance ang 86 na barangay, kasunod ng unang wave na naglaan ng tig-2 kilo ng bigas bawat pamilya.
Itinuturing ang kasalukuyang distribusyon bilang ikalawang yugto ng rice aid program ng lungsod, na naghatid ng mas malaking rice allocation sa mga pamilyang sakop ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











