TOP 1 MOST WANTED SA BOLINAO, ARESTADO DAHIL SA KASONG STATUTORY RAPE

Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa Bolinao, Pangasinan matapos ipatupad ng Tracker Team ng Bolinao Municipal Police Station ang warrant of arrest noong Setyembre 22, 2026.

Ang naaresto ay isang 24-anyos na construction worker at residente ng Bolinao.

Inisyu ang warrant kaugnay ng kasong statutory rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d) ng Revised Penal Code, na walang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Dinala na sa kustodiya ng pulisya ang naarestong indibidwal para sa kaukulang proseso ng korte.

Isinagawa ng Bolinao MPS Tracker Team ang operasyon bilang pagpapatupad sa warrant laban sa suspek na kabilang sa listahan ng mga most wanted person sa antas-munisipyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments