Isinagawa ang Hospital Safe from Disaster (HSFD) Training 2026 sa Region 1 Medical Center upang sanayin ang mga healthcare worker sa paghawak ng mass casualty incidents o mga disaster na nagdudulot ng maraming sugatan at pasyente.
Ayon sa ulat, may temang “Strengthening Community Resilience through Preparedness: Enhancing Dagupan City’s Capacity for Mass Casualty Management,” ang training na nakatuon sa disaster preparedness, emergency response at recovery ng mga health facility.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga hakbang na kinakailangan upang maging handa ang mga ospital sa sitwasyong sabay-sabay na nangangailangan ng medical attention ang malaking bilang ng mga pasyente.
Muling pinag-usapan ang naturang training kasama ang mga healthcare worker mula sa DOH-Center for Health Development Region 1, Cagayan Valley Medical Center, City of Ilagan Medical Center, at Cagayan Valley CHD, at kinatawan ng City Health Office ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








