
CAUAYAN CITY – Ligtas na ang pitong sakay ng bangkang Ren-Zen 2 na napaulat na nawawala habang papunta sa isla ng Calayan noong Enero 15, 2025.
Ayon kay Joe Robert Arirao ng MDRRMO-Calayan, agad silang nabigyan ng medikal na atensyon matapos matagpuan sa Dalupiri Island noong Enero 17. Kabilang sa mga sakay ang limang tripulante, dalawang pasahero, at isang kawani ng Philippine Coast Guard.
Napag-alamang nagkaaberya ang bangka sa pagitan ng Calayan at Dalupiri, kaya napilitang pumunta ang grupo sa pinakamalapit na pampang.
Sa tulong ng mga residente, naayos nila ang bangka at naghintay ng mas maayos na panahon para makabiyahe pabalik ng mainland Calayan.
Hindi sila nakapagpadala ng mensahe dahil walang signal sa lugar, ngunit sapat ang kanilang pagkain dahil may dala silang suplay mula mainland Cagayan.
Ang lokal na pamahalaan ng Calayan ay nagpasalamat sa mabilis na aksyon ng Cagayan Valley Regional DRRM Council sa pagtulong sa paghahanap.