
CAUAYAN CITY- Arestado ang isang Isabeleño matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Lamut, Ifugao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Danny”, 25-anyos, barbero, pansamantalang naninirahan sa Poblacion West, Lamut, Ifugao at residente of Palanan, Isabela.
Narekober sa kanyang pag-iingat ang 133.7 grams ng dried marijuana leaves and na may kabuuang halaga na P16, 044.
Dinala ang suspek sa himpilan ng Lamut Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Mahaharap naman ang akusado sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments