Pormal nang nilagdaan noong Mayo 21 ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Mapandan at Philippine Crop Insurance Corporation para sa pagpapatupad ng life insurance program para sa mga magsasaka.
Batay sa ulat, aabot sa 1,025 magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang sakop ng insurance program sa bayan.
Layunin ng kasunduan na magbigay ng karagdagang proteksyon at seguridad sa mga magsasaka habang isinusulong ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Kasunod ito ng pagpapalawak ng insurance programs ng pamahalaan ngayong 2026 matapos dagdagan ang pondo ng PCIC para sa iba’t ibang benepisyo at assistance program sa sektor ng agrikultura.
Sa Region I, kabilang ang Pangasinan sa mga lalawigang may mga farmer-beneficiaries na tumatanggap ng insurance assistance sa ilalim ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







