Thursday, July 23, 2026

Patas na imbestigasyon sa tangkang pag-aresto sa photojournalist sa isang rally sa Pasay, tiniyak ng SPD

Tiniyak ng Southern Police District (SPD) na hindi kukunsintihin ang anumang gawain na lumalabag sa karapatan ng sinuman o bumaba sa pamantayan ng propesyonalismo na inaasahan sa bawat miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Iginiit ng SPD na kung mapatunayan sa imbestigasyon na may tauhan ng pulisya na gumawa ng misconduct o lumabag sa mga umiiral na batas, patakaran, o pamamaraan, ang mga mapapatunayang responsable ay sasailalim sa nararapat na administratibo at ligal na aksyon.

Kaugnay nito, kinikilala ng SPD ang pahayag na inilabas ng Press Photographers of the Philippines hinggil sa insidente na naganap sa anti-ASEAN protest rally.

Iginiit ng SPD ang buong paggalang nito sa kalayaan ng pamamahayag at kinikilala ang napakahalagang papel ng mga mamamahayag at media practitioner na maipaalam sa publiko.

Tinitiyak din ng SPD na siniseryoso nila ang lahat ng alegasyon na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan kasunod ng tangkang pag-aresto sa veteran photojounalist na si Bulit Marquez habang kumukuha ng larawan sa ina-arestong raliyista.

Facebook Comments