
Kinumpirma ni Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Allen Rae Co na nahuli na kaninang alas-8:20 ng umaga ang 2 suspek sa pagpatay sa vlogger na si Mima Alicia sa Caloocan.
Ayon kay Co, nahuli ang mga ito sa Mabalacat, Pampanga kasunod ng isinagawang intensive investigation ng mga kapulisan.
Ang mga nahuling suspek ay gunman at driver na nakitang mga suspek na nagsagawa ng nasabing krimen.
Dahil kakahuli pa lamang ay iniimbestigahan pa kung sila ay parte ng isang grupo o may nag-utos sa kanila.
Nahaharap ang mga nasabing suspek sa kasong murder, paglabag sa RA 1591 o Comprehensive Ammunitation and Regulation Act at RA 9516 .
Tiniyak naman ng PNP na magbibigay ito ng detalye kapag nakuha na ang mga impormasyon sa mga nasabing suspek.










