Mga pulis na naghahayag ng saloobin sa social media hinggil sa pagkakaaresto kay FPPRD, pagsasabihan ng PNP

Hindi paparusahan bagkus pagsasabihan lamang ng kanilang mga ground commanders ang mga pulis na naghahayag ng saloobin sa social media kasunod ng naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, karapatan ninoman na maglabas ng saloobin sa isang usapin, pero may limitasyon aniya ito lalo na sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Paliwanag ni Fajardo, hangga’t miyembro ang isang pulis ng PNP may hangganan sa paglalabas nito ng sentimyento sapagkat mayroon silang sinumpaang tungkulin na mananatiling apolitical at non-partisan.


Ani Fajardo, may umiiral na grievance mechanism para sa kanilang mga myembro na nais magpahayag ng kanilang mga hinaing o saloobin.

Una nang nilinaw ng PNP na walang pulis ang nagbitiw sa tungkulin kasunod ng pagkaka-aresto kay Duterte.

Facebook Comments