Sunday, September 27, 2026

PNP, tiniyak ang seguridad at tulong sa mga commuters na maapektuhan ng 3 araw na transport strike

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) para tumulong sa mga commuters at komunidad na maaaring maapektuhan ng tatlong araw na tigil-pasada ng ilang mga transport group ,simula ngayong araw hanggang September 30, Miyerkules.

Ang nasabing transport strike ay protesta sa patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., bilang tugon dito ay maglalagay muli ang PNP ng Libreng Sakay para sa mga commuters na maapektuhan ng nasabing tigil-pasada.

Kasabay pa rin ito ng pagpapanatili ng presensya ng pulisya sa mga key locations at kahandaan sa pagresponde sa mga emergencies.

Nagpaalala naman ang top cop sa mga tauhan nito na manatiling propesyonal at respetuhin ang karapatan ng lahat ng sektor sa isasagawang aktibidad.

Facebook Comments