TASK FORCE PANGASINAN, PINAGHAHANDAAN SA ISASAGAWANG BASIC CITIZEN MILITARY TRAINING RECRUITMENT

Pinaghahandaan ng Philippine Army 104th Community Defense Center at mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan ang pagpapalakas ng Task Force Pangasinan sa pamamagitan ng pagpapabilis ng recruitment para sa Basic Citizen Military Training (BCMT).

Sa isinagawang dayalogo noong Mayo 12 sa Bayambang, Pangasinan, tinalakay ng mga kinatawan ng Army at mga focal persons ng Alpha Company ang pagtanggap ng mga kwalipikadong aplikanteng may edad 18 hanggang 45 upang madagdagan ang bilang ng mga reservist sa lalawigan.

Kasama rin sa pulong ang mas pinaigting na koordinasyon para sa accreditation at activation ng Army Disaster Volunteer Corps (ADVC) katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) bilang bahagi ng paghahanda sa mga sakuna at emergency response operations.

Pinag-usapan din ang accounting at monitoring ng mga aktibong reservist mula sa iba’t ibang bayan upang mapalakas ang organisasyon at deployment capability ng reservist units sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments