Monday, May 11, 2026

SP Tito Sotto, kinumpirma ang planong kudeta laban sa kanya; senador, ipinagpapasa-Diyos na lamang ang mangyayari

Ipinagpapasa-Diyos na lamang ni Senate President Tito Sotto III ang umano’y planong kudeta laban sa kanya.

Muling lumutang ang usapin ng pagpapaalis sa kanya sa pwesto bilang Senate President matapos ang inaasahang pag-akyat sa Senado ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Kinumpirma ni Sotto na mayroon nga siyang naririnig na coup d’etat plot laban sa kanya.

Pero nanindigan si Sotto na patuloy niyang itataguyod at susundin ang nakasaad sa Konstitusyon.

Sinabi pa nito na ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat at malaki ang kanyang tiwala.

Ngayong araw ay inaasahang mapagbobotohan na sa Kamara ang impeachment case laban kay VP Sara at bukas naman ay inaabangan na maisumite sa mataas na kapulungan ang mga articles of impeachment.

Facebook Comments