
Tuloy ang Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects sa Lunes.
Ito ang tiniyak ni bagong Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo sa gitna ng alegasyon ng kampo ni Senate President Alan Peter Cayetano na hinaharang nila ang imbestigasyon sa naturang katiwalian.
Ayon kay Tulfo, sa Lunes, alas-9:00 ng umaga nila itatakda ang pagdinig para sa flood control scam mula sa naunang schedule na Huwebes sa ilalim ni dating BRC Chairperson Pia Cayetano.
Iniurong nila ang petsa upang ma-review at maisyuhan muli ng imbitasyon ang mga resource persons.
Kasabay nito ay idineklara rin ni Sen. Erwin ang mga miyembro ng bagong mayorya at minorya bilang members ng BRC para walang masabi na may hokus-pokus.
Pinuna ni Tulfo ang mga nasa guest lists dahil ang ilan dito ay hindi naman contractor at hindi rin kilalang may kaugnayan sa anomalya.










