
Pinalutang ni Senate President Alan Peter Cayetano na mayroong ilang mga senador mula sa orihinal na 11 myembro ng minority bloc ang posibleng sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ito ang sinabi ni Cayetano sa kanyang Facebook livestream kasabay ng pagkumpirma nito na tuloy at abangan bukas ang ika-siyam na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scam.
Ayon kay Cayetano, kasama sa nabanggit ng dating 18 sundalo ang ilan sa mga senador sa minorya na umano’y nahatiran din ng kickback mula sa flood control projects.
Naniniwala ang Senate President na ito ang posibleng dahilan kaya pilit na dini-discredit ng oposisyon ang kanyang liderato at ang gaganaping pagdinig bukas ng Blue Ribbon Committee.
Kasama din ni Cayetano sa kanyang livestream si Senator Rodante Marcoleta na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa flood control anomalies.
Sinabi ni Marcoleta na ang pagdinig bukas ang siyang magdidikta sa magiging direksyon ng bansa kaya antabayanan at huwag kukurap ang publiko.
Dagdag pa ni Marcoleta, lahat ay gagawin ng minorya para patuloy na pagtakpan ang isyu na may kinalaman sa umano’y pagnanakaw ng pera nng taumbayan.










