PNP chief, nagbigay-pugay sa mga susunod na lider

53

Binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos si Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at ang running mate nitong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa kanilang opisina sa Senado nitong Huwebes.

Inilatag ni Carlos sa mga batikang mambabatas ang kanyang mga plano at programa para sa PNP, dalawang linggo matapos niyang palitan si Gen. Guillermo Eleazar na tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Reporma.

Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa magiging sitwasyon ng kaayusan at seguridad ng bansa pagkatapos ng Halalan 2022.


Dahil dito, nakakuha ng karagdagang kaalaman si Carlos mula kay Lacson, na dati ring naging hepe ng PNP, at kay Sotto, na kilalang nagsusulong ng mga programa kontra droga.

Facebook Comments