
Pinadadagdagan ni Senator Kiko Pangilinan ng P15 billion ang pondo ng gobyerno para sa relief at rehabilitation efforts sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.
Sa Senate Bill 2259 na inihain ni Pangilinan, magiging supplemental o dagdag ang P15 billion sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund na nakapaloob sa 2026 national budget at hawak ng national at local government agencies.
Ang dagdag na pondo ay gagamitin sa temporary shelter, pagkain, tulong medikal, tubig, sanitation facilities, pagsasaayos ng mga paaralan, eskwelahan, kalsada at iba pang critical infrastructure sa Region 11 at Region 12.
Dito rin kukunin ang dagdag na pantulong para sa mga mangingisda, magsasaka at iba pang apektado ang kabuhayan.
Ipinunto ni Pangilinan na bukod sa agarang tulong, kailangan din ng matagalang suporta mula sa pamahalaan para sa muling pagbangon ng mga taga-Mindanao.










