PAGHUHUKAY NG DIGITAL INFRASTRUCTURE SA POZORRUBIO, SINURI PARA SA KALIGTASAN NG MGA MOTORISTA

Sinuri ng mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways Pangasinan 3rd District Engineering Office, subcontractor ng isang telecommunications company, at mga opisyal ng Barangay Rosario at Alipangpang ang isinasagawang open excavation sa kahabaan ng Manila North Road sa Pozorrubio, Pangasinan noong Hunyo 8, 2026.

Ito ay matapos ang isinasagawang pa ring underground telecommunications facilities o digital infrastructure para sa internet at communication services sa lugar.

Ayon sa ulat, sinuri ang safety measures kaugnay ng posibleng panganib nitong dala sa mga motorista at residente na gumagamit ng kalsada. Kabilang sa tinignan ang kondisyon ng excavation site at mga warning signs.

Kaugnay nito, nagsimula ang proyekto noong Marso 18 at inaasahang matatapos sa Oktubre ngayong taon.

Ayon sa Local DRRM Office ng bayan, bukod sa pagpapabuti ng digital connectivity ay iniiwasan din ang mga aksidente at abala sa publiko habang isinasagawa ang proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments