Friday, June 26, 2026

DOJ, natanggap na ang rekomendasyon mula sa PNP-CIDG kaugnay sa pagkasawi ng 2 ADMU athletes

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nila ang kopya ng referral mula sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa insidente sa Dipaculao, Aurora na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inirekomenda ng PNP-CIDG ang pagsasampa ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Act at iba pa kabilang ang posibleng Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Sa ngayon, sasailalim na sa initial evaluation ang referral para malaman kung sapat ang mga isinumiteng ebidensiya para umusad ang reklamo.

Sakaling kulang ang ebidensiya, magpapatuloy muna ang case build-up ng DOJ katuwang ang CIDG.

Habang uusad naman sa preliminary investigation ang reklamo kung makitaan ng sapat na batayan.

Sa ngayon, tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye ang Justice Department habang sumasailalim sa pa ito evaluation.

Facebook Comments