Nagsagawa ang San Carlos City Police Station at Basista Municipal Police Station ng Simulation Exercise (SIMEX) kaugnay ng pagtugon sa bombing incident at active shooter scenario sa dalawang paaralan sa Pangasinan bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad at kahandaan sa mga institusyong pang-edukasyon.
Sa Turac National Elementary School sa San Carlos City, pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Officer-in-Charge ng San Carlos CPS, ang SIMEX on Bombing Incident Response kasama ang School Division Office, Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit, LGU San Carlos City, mga guro, mag-aaral, at kawani ng paaralan.
Samantala, isinagawa rin ng Basista MPS sa pangunguna ni PMAJ Dexter A. Tayaba, OIC, ang SIMEX on Active Shooter Scenario sa Basista National High School, Barangay Poblacion, Basista, Pangasinan, katuwang ang MDRRMO, Rural Health Unit (RHU), at Bureau of Fire Protection (BFP).
Layunin ng mga pagsasanay na mapahusay ang koordinasyon, komunikasyon, evacuation procedures, emergency response, at kakayahan ng mga ahensya sa pagharap sa mga posibleng kritikal na insidente sa loob ng paaralan.
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagtutulungan ng PNP, DepEd, LGU, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang ligtas, handa, at matatag na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro, at buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











