ORDINANSANG PAGGAMIT NG REFLECTIVE VEST NG MGA RIDER SA GABI SA SAN FABIAN, PINAIGTING

Pinaigting ang kaligtasan sa kalsada sa San Fabian sa pamamagitan ng paggamit ng high-visibility reflective vest at ilaw ng mga rider tuwing gabi matapis aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Municipal Ordinance No. 4, Series of 2026.

‎Ayon sa ordinansa, kinakailangang magsuot ng reflective vest ang mga gumagamit ng motorsiklo at tricycle, habang ang mga nagbibisikleta, e-bike, at e-trike riders ay dapat gumamit ng reflective vest at/o high-visibility lights habang bumibiyahe mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

‎Sinabi ng lokal na pamahalaan ng San Fabian na layunin ng hakbang na mabawasan ang aksidente sa lansangan at mapataas ang visibility ng mga motorista upang mas maging ligtas ang lahat ng gumagamit ng kalsada.

‎Matatandaan na mahigpit din na ipinatutupad ng awtoridad sa buong lalawigan ng Pangasinan ang paggamit ng mga tricycle drivers, motorcycle drivers at bikers ang pagsusuot ng reflective vest upang maiwasan ang mga aksidente lalo na sa mga pangunahing kakalsadahan.

Facebook Comments